^

Metro

2 rider niratrat, 1 pa nadamay

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Kritikal ang dalawang lalaking magkaangkas sa isang motorsiklo habang isa pa ang tinamaan ng ligaw na bala sa na­ganap na pamamaril sa may MacArthur Highway, kama­kalawa ng madaling-araw sa Valenzuela City.

Isinugod sa Valenzuela City Medical Center ang mga biktimang sina Arvin Nuñez Bernales, 22, waiter, at Richard Layugan Marcillana, 27, habang nakaratay naman ngayon sa Jose Reyes Memorial­ Hospital ang 18-anyos na si Paolo Gayo, ng Area 3, Brgy. Karuhatan, Valenzuela na tinamaan ng ligaw na bala.

Sa inisyal na ulat ng pulisya, naganap ang insidente dakong alas-3:45 ng madaling-araw sa may MacArthur Highway sa Brgy. Karuhatan.

Ayon sa mga motoristang saksi, bigla na lamang silang nakarinig ng sunud-sunod na putok ng baril at nakitang sumemplang ang motorsiklong kinalululanan nina Marcillana at Bernales.

Agad namang sumaklolo ang mga opisyal ng barangay sa lugar at sinaklolohan ang dalawa.

Napansin rin naman ng mga tanod si Gayo na duguan sa gilid ng kalsada na tinamaan ng ligaw na bala kaya agad ring isinugod sa pagamutan.

Tinukoy ng mga saksi na isang itim na Yamaha Mio ang kanilang nakitang humaharurot sa pagtakas matapos na makarinig ng putok ng baril. 

Narekober sa lugar ng krimen ang 12 basyo ng bala, at dalawang slug buhat sa hindi pa mabatid na kalibre ng baril. Blangko naman ang pulisya sa motibo sa krimen at pagkakakilanlan ng mga salarin. ()

ARVIN NU

BERNALES

BRGY

JOSE REYES MEMORIAL

KARUHATAN

PAOLO GAYO

RICHARD LAYUGAN MARCILLANA

VALENZUELA CITY

VALENZUELA CITY MEDICAL CENTER

  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with