^

Metro

Pulisya at militante upakan sa harap ng bahay ni PNoy

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – ‘Nagkabakbakan’ ang mga pulis at mga miyembro ng militanteng grupo na sumugod sa gate mismo ng ancestral home ni Pangulong Benigno Aquino III sa Times street sa Quezon City kahapon ng umaga.

Apat na ang pulis ang nasugatan at isa rito ang malubha at isinugod sa pinakamalapit na pagamutan. Nabasag ang mukha ni SPO1 Arnold Reyes nang tumama sa kanya ang  ma­laking tipak ng bato na inihagis ng mga militante.

Sinasabing  nakapasok sa barikada ng pulisya ang grupo ng militante  na aabot sa mahigit 100 katao kabilang na ang mga organisas­yon na nasa ilalim ng grupong Min­danao Manilakbbayann 2014.

Galit na galit din ang ka­tabing bahay ng mga Aquino na si Mrs Juanita Sy dahil sa pinagbabato din at pinin­turahan ng mga katagang kumukundena kay Pangulong Aquino ang harap ng kanilang bahay.

Bitbit na isyu ng mga ito ang anila’y militarisasyon sa Mindanao na dahilan para mapalayas sa kanilang mga tahanan ang mga residente rito. Iginiit nila ang pagbaba ni Aquino sa puwesto.

Ikinatwiran naman ng mga militante na nanakit din sa kanila ang mga pulis kaya sila ay nanlaban sa mga ito.

APAT

AQUINO

ARNOLD REYES

BITBIT

MRS JUANITA SY

PANGULONG AQUINO

PANGULONG BENIGNO AQUINO

QUEZON CITY

  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with