Bomb scare sa Makati, matinding trapik ang dinulot

MANILA, Philippines – Nagdulot nang matin­ding tensyon at pagsisikip sa daloy ng trapiko ang inabandonang tool case  na inakalang  bomba  sa harapan ng isang convenience store, kahapon ng umaga sa Makati City.

Ayon kay Chief Inspector Lebrito Buisan, com­manding officer ng Bomb Squad,  Explo­sive Ordnance Disposal (EOD) Unit ng Makati City Police, alas-11:11 kahapon ng umaga nang makatanggap sila ng tawag hinggil sa kahina-hinalang bagahe na nag­lalaman umano ng isang uri nang pampasabog sa harapan ng convenience store na matatagpuan sa  panulukan ng Paseo de Roxas at Makati Avenue ng naturang lungsod dahilan upang kaagad na magres­ponde ang mga pulis sa naturang lugar at kaagad nila itong kinordonan para sa safety measure.

Dito ay dahan-dahang bi­nuksan ng mga pulis ang bagahe na attache case type kung saan negatibo ito sa anumang uri ng bomba kundi mga gamit lamang marahil ng isang electrician ang nakuha.

Show comments