Tapyas-presyo uli sa petrolyo, ipinatupad

MANILA, Philippines – Muli namang nagpatupad ng bawas presyo sa kanilang produktong petrolyo ang ilang kompanya ng langis simula sa araw na ito (Nobyembre 25).

Base sa  abiso kahapon  ng Pilipinas Shell, kanilang pinangunahan ang pagpapatupad ng bawas presyo ng kanilang produkto  na epektibo ito ala-1:00 ng madaling-araw.

Ayon sa Pilipinas Shell, ang kanilang gas ay bumaba ng P0.90 kada litro at ang kanilang diesel o krudo ay bumaba rin ng kahalintulad na halaga, samantalang ang kerosene ay bumababa ng halagang P1.05 kada litro.

Gayundin, nag-abiso rin ang Chevron (CALTEX) kahapon hinggil sa bawas ng presyo ng kanilang produkto at epektibo ito alas-12:00 ng madaling-araw ngayong araw na ito na kahalintulad din na halaga.

Isang positibong balita ito sa publiko lalu na sa mga motorista  at ang pagpapatupad ng rollback ay bunsod nang paggalaw ng presyo sa world market.

Matatandaan, na noong nakaraang Nobyembre 11  ay nagpatupad din ng rollback ang ilang oil companies sa kanilang produkto.

Show comments