^

Metro

Pedicab driver dedo sa ‘Sigue-sigue commando’

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Utas ang isang 30-anyos na lalaki habang sugatan naman ang kapwa pedicab driver nito nang pagbabarilin ng dalawang armadong lalaki na miyembro umano ng ‘Sigue-sigue Commando gang’, habang nagkakape sa pilahan ng pedicab, sa panulukan ng Varona at Capalongan Sts., sa Tondo, Maynila, kahapon ng madaling-araw. Dead-on-arrival sa Gat. Andres Bonifacio Memorial Medical Center (GABMMC) ang biktimang si Ricardo Condo, 50, ng 1695 F. Varona St., Tondo, bunga ng tatlong tama ng bala na tinamo sa dibdib at likod. Inoobserbahan naman sa Tondo General Hospital ang isa pang biktimang si Eduardo Panganiban na tinamaan naman ng bala sa tiyan at sa braso. Itinuturong mga suspek sina Marlon Custodio, alyas “Tutong”, at isang Allan Guevarra alyas Mata. Sa ulat ni SPO3 Glenzor Vallejo, ng Manila Police District-Homicide  Section, dakong  alas-4:15 ng madaling-araw nang maganap ang pamamaril  habang nagkakape at nagkukuwentuhan ang dalawang biktima nang dumaan umano si alyas Tutong at maya-maya ay bumalik ito na may dalang sumpak at pinaulanan ng bala ang dalawa saka nagsitakas. Blangko pa ang pulisya sa motibo sa krimen.

vuukle comment

ALLAN GUEVARRA

ANDRES BONIFACIO MEMORIAL MEDICAL CENTER

CAPALONGAN STS

EDUARDO PANGANIBAN

GLENZOR VALLEJO

MANILA POLICE DISTRICT-HOMICIDE

MARLON CUSTODIO

RICARDO CONDO

TONDO GENERAL HOSPITAL

TUTONG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with