^

Probinsiya

14 timbog sa P47.5 milyong puslit na yosi

Cristina Go Timbang - Pilipino Star Ngayon
14 timbog sa P47.5 milyong puslit na yosi
Arestado sa operasyon ang 14 na katao kabilang ang isang babae, na pawang mga driver at helper ng limang sasakyang sinita at ininspeksiyon ng mga awtoridad.
Philstar.com / Jovannie Lambayan

TERNATE, Cavite, Philippines — Aabot sa P47.58 milyong halaga ng mga hinihinalang ilegal na sigarilyo na nakumpiska ng pinagsanib na puwersa ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG), Highway Patrol Group (HPG) at Ternate Municipal Police sa isinagawang operasyon sa Barangay Poblacion 1A, Ternate, noong Oktubre 7 ng umaga.

Arestado sa operasyon ang 14 na katao kabilang ang isang babae, na pawang mga driver at helper ng limang sasakyang sinita at ininspeksiyon ng mga awtoridad.

Nasamsam sa mga sasakyan ang kabuuang 793 master cases ng mga hinihinalang ilegal na produktong tabako, habang kinumpiska rin ang limang sasakyang ginamit sa pagdadala ng mga ito.

Ayon sa ulat ng CIDG, nagsimula ang operasyon nang sitahin ng Special Operations Division ng HPG ang limang sasakyan dahil sa mga paglabag sa batas-trapiko alinsunod sa Republic Act No. 4136 o Land Transportation and Traffic Code.

Sa isinagawang inspeksiyon ng mga tauhan ng HPG, CIDG at Ternate police, nadiskubre ang mga kahon ng sigarilyong hinihinalang ilegal dahil sa kawalan ng kinakailangang tax stamp ng Bureau of Internal Revenue (BIR) at graphic health warning sa mga pakete.  

Pinuri ng pamunuan ng CIDG ang grupo ni PCol. Ganaban C. Ali, regional chief ng CIDG Regional Field Unit 4A, at ng CIDG Cavite Provincial Field Unit sa ilalim ni PLt. Col. Mark Jason M. Gatdula, kasama ang iba pang yunit ng pulisya, sa kanilang matagumpay na operasyon.

ARRESTED

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with