Bus, regular na taxi pwede na sa NAIA 3

MANILA, Philippines — Upang maibsan ang kakulangan sa pampublikong sasakyan, hinayaan na ng Manila International Airport Authority (MIAA) ang mga pampasaherong bus at mga ordinaryong taxi na mamulot ng mga pasahero sa Ninoy Aquino International Airport Terminal 3.

Ayon kay MIAA General Manager Jose Angel Honrado na ito ang pansamantalang solusyon nila sa kakulangan ng masasakyan mula sa paliparan.

"We lack transport. Unfortunately, among the four terminals, Terminal 3 is the only terminal not being serviced by regular buses since they have no bus lines there," pahayag ni Honrado.

Inaasahan din na iikli ang pila ng mga pasahero para sa mga gustong sumakay pa rin sa mga taxi na accredited ng NAIA.

Samantala, nakikipagtulungan na ang NAIA sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board upang hayaang makabiyahe ang tatlong kompanya ng bus sa NAIA kahit walang accreditation.

Show comments