^

Metro

Tumungga ng silver cleaner bebot nag-suicide sa comfort room ng mall

Angie dela Cruz, - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Nagpakamatay sa pamamagitan nang pagtungga ng silver cleaner ang isang babae sa loob ng comfort room ng   isang mall sa Pasay City, kahapon ng umaga.

Dead on arrival sa Pasay City General Hospital ang biktima na kinilala sa pamama­gitan nang nakuha ritong master card ng isang banko na si Annabell G. Frias.

Sa report na natanggap ni Senior Supt. Melchor Reyes, hepe ng Pasay City Police,  alas-10:30 ng umaga nang matagpuang nakahandusay ang biktima sa loob ng comfort room sa ikalawang palapag ng parking area ng isang mall sa Libertad St. ng nasabing lungsod.

Base sa salaysay sa mga pulis ni Edward Sindac, 30,  janitor at stay-in sa nasabing mall, kasalukuyan siyang nag­lilinis ng comfort room ng mga lalake nang tawagin siya ng kanyang kasamahang­ si Sinforoza Sabalboro, 53, nakadestino naman sa comfort room ng mga babae.

Dito nila nakita ang nakalawit na kamay ng biktima pero naka-lock ang pinto nito  kayat ang ginawa niya ay umakyat sa itaas upang mabuksan ang pintuan at doon nga tumambad sa kanilang  harapan ang isang babaeng nakahandusay at wala nang buhay.

Humingi sila ng tulong sa guwardya at iba pang kasamahan nila upang dalhin sa naturang ospital ang biktima, subalit hindi na ito nakarating ng buhay.

Sa isinagawang pagsusuri ng mga tauhan ng SOCO ng Southern Police District sa pinangyarihan ng insidente, nabatid na  dalawang plastic ng silver cleaning solution  ang natagpuan sa loob ng comfort room na hinihinalang ginamit sa pagpapakamatay ng biktima.

Samantala patuloy na­mang­ nagsasagawa ng masusing imbestigasyon ang mga awtoridad, habang ang labi ng biktima ay pansaman­talang inilagak sa Rizal Funeral Homes upang i-autopsy.

ANNABELL G

EDWARD SINDAC

LIBERTAD ST.

MELCHOR REYES

PASAY CITY

PASAY CITY GENERAL HOSPITAL

PASAY CITY POLICE

RIZAL FUNERAL HOMES

  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with
no session for state
no session for code
no session for id_token
no session for user