No. 4 most wanted sa Muntinlupa, timbog

MANILA, Philippines - Nahulog sa kamay ng pulisya ang no. 4 most wanted criminal na sangkot sa gun for hire at drug syndicate  at ilang serye ng pagpatay, kama­kalawa ng gabi sa Muntinlupa City.

Nakakulong ngayon sa Southern Police District Office (SPDO) detention cell si Loreto de Boda, ng Brgy. Poblacion ng naturang lungsod.

Base sa report na natanggap ni SPDO Officer-In-Charge (OIC), Chief Supt. Henry Ranola Jr., alas-6:30 ng gabi nang madakip si De Boda sa naturang lugar ng operatiba ng Intelligence Division ng SPD sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ng Muntinlupa City Regional Trial Court (RTC).

Base sa rekord ng pulisya, ang nadakip ay sangkot sa pagpatay kina Aaron Carl at Obet Hidalgo, kapwa taga Muntinlupa City.

Napag-alaman din ng miyembro ito ng gun for hire at drug syndicate at itinu­turing itong no. 4 most wanted criminal sa naturang lungsod.

Show comments