Claret School QC binulabog ng bomb threat

MANILA, Philippines – Sinuspinde ang klase sa isang all-boys school sa lungsod ng Quezon ngayong Huwebes matapos makatanggap ang principal ng bomb threat.

Ayon sa mga pulis, bandang 9:42 ng umaga natanggap ng principal na si Joseph Blando ng Claret School ang babala na may sasabog na bomba.

"May bombang nakatago sa inyong paaralan, malaking pagsabog ang mangyayari. Pakiabangan ang mga estudyante," nakasaad sa mensahe.

Kaagad rumesponde ang bomb squad ng lungsod ngunit wala namang natagpuang bomba.

Show comments