^

Metro

Derek at misis matagal na sanang nagkasundo

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Matagal nang dapat na nagkasundo sina Derek  Ramsay at misis nitong si  Mary Christine Jolly-Ramsay kundi umano sa pagtutol ng ilan sa kampo ng aktor.

Ito naman ang tila paninisi ng  mga malalapit na kaibi­gan at kamag-anak ni Ramsay sa gusot na kinasangkutan ng aktor matapos itong sampahan ng kasong paglabag sa RA 9262 o ang batas na nagpaparusa sa mga taong nang-aabuso ng mga karapatan ng mga kababaihan at mga bata.

Ayon sa ilang mapagkakatiwalaang source, hindi na aniya dapat pang tatagal ang pagkakasundo ng aktor at kanyang misis kung hindi tinututulan ng ilan ang pagpasok ng mag-asawa sa isang kasunduan. Nais uma­nong makisawsaw ng ilan sa kontrobersya sa pagitan ng mag-asawa.

Lumilitaw sa pahayag ng  ilang source na kalahati diumano sa settlement money o mapagkakasunduang ha­laga ng suporta ni Derek sa kanyang anak at asawa ay pakikinabangan ng ilan kabilang na dito ang umano’y mahigit P250 milyong inaasa­hang tatanggapin ni Ram­say sa isang istasyon ng telebis­yon sa sandaling pumirma ulit ito ng 2-taong kontrata.

Setyembre 18 nang nagkita sa tanggapan ni Makati Prosecutor Erwin Dimayac­yac sina Derek, Jolly at ang kanilang anak na si Austin upang pag-usapan ang kasunduang magtatakda ng suporta ng ama sa kanyang mag-iina.

Ayon kay Dimayacyac, maganda ang naging usapan ng mag-anak hinggil sa kustodiya, citizenship at suportang pinansyal ni Ramsay sa kanyang anak at asawa.

Sa Setyembre 25 muling maghaharap ang mag-iina sa piskalya.

vuukle comment

AYON

DEREK

DIMAYACYAC

MAKATI PROSECUTOR ERWIN DIMAYAC

MARY CHRISTINE JOLLY-RAMSAY

RAMSAY

SA SETYEMBRE

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with