Walang piyansa: 2 pulis na kumidnap sa Chinese kinasuhan na

MANILA, Philippines - Pormal nang kinasuhan sa piskalya sa lungsod ng Caloocan ang dalawang pulis  na sinasabing dumukot sa isang Chinese national noong Lunes (Setyembre 8).

Sina PO1 Danilo Sytamco Jr. at PO2 Xerxes Sarmiento Martin ay nahaharap sa kasong kidnapping at walang inirekomendang piyansa sa mga ito. Nakakulong ang mga ito sa Caloocan City Police detention cell matapos silang i-turn-over ng Malolos, Bulacan Police.

Setyembre 8 ay dinukot  umano ng naturang mga alagad ng batas ang biktimang si Han Zhang, 43, habang papasakay  sa LRT Monumento, Caloocan City  at pinaikut-ikot muna ito bago dinala sa Bulacan.

Bago pa magkabayaran sa ransom, ay nagawa naman ng biktima na makatakas makaraang makatulog ang kanyang mga bantay.

Show comments