Bebot na police asset, ikinahon

MANILA, Philippines - Isang hindi pa kilalang babae ang natagpuang patay na nakasilid sa isang basurahan sa Delpan Bridge, sakop ng Binondo, Maynila, kahapon ng madaling-araw.

Inilarawan ang biktima sa edad na 20- 25, may taas na 5’2’’, mahaba at blonde ang buhok, nakasuot ng pink na polo shirt, shorts na brown.

Sa ibabaw ng kanyang bangkay ay may nakalagay na placard na dito nakasulat ang, “Babala  Huwag akong tularan Asit ako.”

Sa ulat ni SPO2 Milbert Balinggan ng  Manila Police District-Homicide Section, ang labi ng babae ay naka­balot  pa sa isang malong na may kumbinasyong dilaw at asul ang kulay saka isinilid  sa itim na garbage bag at ipinasok pa sa isang kahon.

Nang tingnan ang bangkay ay nadiskubreng napupu­luputan ang leeg ng alambre na pinambigti sa kaniya, napupuluputan din ang mga paa ng packaging tape, habang ang mukha nito ay nakitaan ng dugong umaagos.

Teorya ng pulisya, ang biktima ay pinaghinala­ang  police asset o nagbi­bigay ng impormasyon sa mga awtoridad kaya pinatay ng sindikato ng ilga­l na droga.

Show comments