Wanted timbog sa ‘Oplan Galugad’

MANILA, Philippines - Arestado ng pulisya ang isang ‘wanted’ sa batas sa isinagawang ‘Oplan Galugad’ sa Malabon City, kama­kalawa ng gabi.

Kinilala ni Senior Supt. Severino Abad, hepe ng Ma­labon City Police ang nadakip na si Glenardo Aquino, 47,  ng Magsaysay St., Brgy. San Agustin ng naturang lungsod.

Ayon sa report ng Ma­labon City Police, alas-10:00 ng gabi nang magsagawa ng follow-up operation ang mga pulis sa Paradise Village, Brgy. Tonsuya ng naturang lungsod.

Nagresulta ito nang  pagka­kadakip sa naturang akusado sa bisa ng warrant of arrest na ipinalabas ni Judge Emmanuel Laurea ng Malabon City  Regional Trial Court, Branch 169  dahil sa  kaso nito na  may kinalalaman sa droga.

Show comments