^

Metro

COA report Walang ghost employees sa Taguig

Angie dela Cruz, - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Kabaligtaran sa alegasyon na may ghost employees ang Taguig, nakasaad sa Commission on Audit (COA) report na ang mga kawa­ning ito ay matatagpuan at nagre-report sa iba’t  ibang tanggapan ng pamahalaang lungsod.

Ito ang iginiit kahapon ni Taguig City Councilor Atty. Darwin Icay, tagapagsalita ni Taguig Mayor Lani Cayetano upang ituwid ang mga alegasyon tungkol sa mahigit 3,188 job order personnel ng lungsod noong 2012.

Aniya, maging ang  Commission on Audit (COA) ay pinasisinunga­lingan ang mga alegas­yon lalo’t sa isinagawang pagberipika ay natukla­sang nasa sa iba’t ibang tanggapan ang mga kawaning tinutukoy.

Gumagamit  ang mga ito ng bio-metric machine o di kaya ay manual time record sa kanilang daily attendance na siyang naging batayan ng kanilang mga sweldo.

Itinuturing ni Icay ang mga reklamong isinampa sa Ombudsman na isang istratehiya para ilihis ang atensyon ng publiko sa iniimbestigahang P2 billion Makati parking building.

Kataka-takang isinabay ang pagsasampa ng mga reklamo sa araw kung kailan isinagawa ang senate investigation.

Sinabi ni Icay na sina Atty. Rod Vera at Fhilip Sawali ay parehong ka­klase sa law school ni Makati Rep. Abby Binay na ginamit din ng mga Binay laban kay DILG Sec. Mar Roxas.

Sa COA report sinasabing ang ginawang ba­tayan ng Taguig City Government sa pagkuha ng 3,188 job order personnel ay ang kakapusan sa bilang ng mga kawani na pinatunayan sa isinagawang audit noong 2007.

Kinulang ng mga per­manenteng manggagawa ang pamahalaang lungsod nang tumaas ang bilang ng transaksyon nito nang maging highly-urbanized city ang Taguig.

Isa sa maraming pa­rangal na natanggap ng lungsod sa ilalim ng pamumuno ni Mayor Lani ay ang Most Business-friendly city sa Metro Manila mula sa World Bank at  nasa top 10 naman sa buong Pilipinas.

 

ABBY BINAY

DARWIN ICAY

FHILIP SAWALI

ICAY

MAKATI REP

MAR ROXAS

MAYOR LANI

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with