Salvage victim natagpuan

MANILA, Philippines - Isang hinihinalang salvage victim ang natagpuan sa Brgy. UP Campus, Diliman, Quezon City, kahapon ng madaling araw. Inilarawan ang biktima na tinatayang nasa 30 hanggang 40-anyos, 5’4’’  ang taas, nakasuot ng puting t-shirt at puting pantalon, maputi ang balat at katamtaman ang pangangatawan Ayon sa ulat ng Quezon City Police District-Criminal Investigation and Detection Unit (QCPD-CIDU), natagpuan ng isang Jay delos Reyes ang bangkay ng biktima sa Pook Arboretum, Brgy. UP Campus, Diliman, dakong alas-4:30 ng umaga. Agad ipinagbigay-alam ni Delos Reyes sa security guard ng UP Technohub  na si James Bryan Sapan at saka pinuntahan ang nasabing lugar. Doo’y natagpuan ang biktima na binalutan ng packaging tape ang ulo at dalawang mga kamay. Agad silang tumawag ng mga awtoridad para sa imbestigasyon. Sa isinagawang  pagsisiyasat ng pulisya  sa biktima, nakita ang sugat sa leeg nito at sa kaliwang bahagi ng dibdib.

Show comments