Illegal vendors sa Divisoria, sinuyod ng MPD

MANILA, Philippines - Sinuyod ng Manila Police District ang  Divisoria laban sa mga illegal vendors bilang bahagi ng tuluy-tuloy na clearing operation na isinasagawa ng  Manila City hall.

Partikular na tinumbok ng mga ito ang kahabaan ng Juan Luna mula sa Binondo palabas ng Recto na nasa pusod ng Divisoria. Ito ay batay na rin sa plano ng lungsod na gawing two-way street ang Juan Luna.

Ayon kay MPD Chief Sr. Supt Gilbert Cruz, dagsa na ang natatanggap nilang reklamo na halos hindi na madaanan ang nasabing kalye dahil sa dami ng vendors.

Bukod dito, pati mga illegal connection sa Meralco ay kanila ring inalis. Dagdag ni Cruz, magiging tuluy-tuloy ang operasyon hangga’t hindi lumuluwag sa trapiko ang mga pangunahing kalsada sa Divisoria. 

Show comments