Biktima ng salvage, natagpuan

MANILA, Philippines - Isa na namang lalaki na biktima ng summary execution ang natagpuan sa gilid ng isang footbridge na nakahubad at nakasilid sa isang itim na garbage plastic bag at tadtad ng saksak sa katawan sa lungsod Quezon, kahapon ng mada­ling-araw. Ayon kay PO3 Victorio Guerrero, ang biktma ay nasa  pagitan ng edad na 25-30, may taas na 5’1, may tattoo sa kanang tuhod at likuran na Jam at BCJ. Ang bangkay ay natagpuan ng nagpapatrulyang tropa ng Police Station 3 sa may kahabaan ng southward Luzon Fly­over, Brgy. Old Balara, ganap na ala-1:15 ng madaling-araw. Nang buksan ng Scene of the Crime Operation (SOCO) ang garbage bag ay nakita ang hubad na katawan ng biktima na may apat na saksak ng icepick sa kanyang katawan. Ang biktima ay nasa panga­ngalaga ngayon ng St. Rafael Funeral homes habang nagsasagawa ng imbestigasyon ang awtoridad.

 

Show comments