Bus vs jeep: 14 sugatan

MANILA, Philippines - Labing-apat na katao ang sugatan sa salpukan ng isang bus at isang jeep, kahapon ng umaga sa Makati City.

Isinugod sa pinaka­malapit na pagamutan ang mga biktima na nagtamo lamang ng minor injury.

Lumalabas sa report na natanggap ng Makati City  Traffic Bureau, naganap ang insidente pasado alas-6:00 ng umaga sa panulukan ng Ayala Avenue­ at EDSA ng naturang lungsod.

Nabatid na ang naka­salpukan ay ang isang pampasaherong jeep (NVE-969) at  Claro Bus  Trans  na may plaka namang  UYE-279.

Lumitaw sa inisyal na imbestigasyon na nagpupumilit  umanong tumawid ng EDSA kahit naka-red light na ang naturang jeep dahilan upang masapul ito ng umaarangkadang bus.

Kapwa isinailalim sa imbestigasyon ang driver ng jeep at bus, gayundin ang kanilang sasakyan na hinatak patungong Makati City Traffic Center.

Nagdulot ng bahagyang trapiko sa lugar ang in­sidente  at pasado alas-7:00 ng umaga­ nang ma-clear ang naturang lugar.

Show comments