Pugante isinuko ng ina sa Mandaluyong

MANILA, Philippines - Balik sa likod ng rehas ang isa sa 11 preso ng Mandaluyong City Jail matapos pumuga ngayong buwan.

Naibalik sa kulungan si Archie Pacheco matapos siyang samahan ng kanyang ina na sumuko sa mga awtoridad kagabi.

Ilang araw na ring tinitiktikan ng mga pulis ang bahay ng pugante sa Caloocan City bago siya isinuko ng ina.

Nahaharap sa kasong may kinalaman sa ilegal na droga si Pacheco.

Nitong Hulyo 11 lamang ay tatlong pugante rin ang naibalik ng mga awtoridad.

Patuloy pa rin ang pagtugis ng mgA awtoridad sa pito pang pugante.
 

Show comments