Motorsiklo sumalpok sa trak, 1 patay

MANILA, Philippines - Patay ang isang motorcycle rider matapos banggain ng 16-wheeler truck sa lungsod ng Pasay.

Ayon sa ulat ng dzMM, patungo sana ng Cavite ang trak na may kargang mga bato at buhangin.

Dahil sa pag-iwas na mahuli sa road weighing scale sa Macapagal Boulevard nag-iba nang ruta ang tsuper na si Jonathan Altaque at dumaan sa kalye ng Tramo.

Mabilis ang pagpapatakbo ni Altaque kaya naman nabangga niya ang hindi pa nakikilalang biktima na lulan ng motorsiklo.

Nasa kustodiya na ng mga awtoridad ang tsuper ng trak, habang inaalam pa rin ang pagkakakilanlan ng biktima.

Show comments