Kelot binoga ng bayaw, kritikal

MANILA, Philippines - Nasa malubhang kalagayan ang isang 56 -anyos na lalaki makaraang barilin ng kanyang bayaw dahil umano sa pagtatalo sa lupa at bahay sa lungsod Quezon, kahapon.

Sa inisyal na ulat ng Quezon City Police Station 10, ang biktima ay nakilalang si Elber Villanueva, residente sa Marathon St., malapit sa Tomas Morato, Brgy. Obrero

Nagawa namang makapuslit sa mga rumispondeng tropa ng PS10 ang suspek na si Benito Inriquez, 47, matapos ang halos ilang oras na paghahanap makaraang tumakbo para magtago ito sa isang eskinita sa kanilang lugar.

Nangyari ang insidente, ganap na alas- 8 ng umaga nang pasukin ng suspek sa kanyang bahay ang biktima at barilin ito sa tiyan.

Patuloy ang kanilang manhunt operation laban sa suspek, kasunod ng panawagang sa sinumang nagkakanlong sa suspek na isuko na ito.

Show comments