^

Metro

Sekyu binaril ang karelyebo sa Makati

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Nauwi sa karahasan ang pagtatalo ng dalawang security guard, kung saan patay ang isa sa lungod ng Makati ngayong Huwebes.

Nakilala ang suspek na si Dante Bacalan at ang nasawi na si Allan Quides na kapwa nagtatrabaho para sa Soliman security agency.

Pauwi na sana si Bacalan na papalitan naman ni Quides nang maganap ang insidente sa Urban Bank sa panulukan ng kalye ng Durban at Makati Avenue sa Barangay Poblacion ganap na 6:58 ng umaga.

Binaril ni Bacalan si Quides gamit ang kalibre .38 na revolver matapos ang kanilang mainit na pagtatalo.

Tinamaan sa dibdib si Quides na ikinamatay nito kaagad.

Nabawi ng mga rumespondeng pulis ang baril kay Bacalan na ngayon ay nakakulong sa Makati Police headquarters.

Inihahanda na ng mga awtoridad ang isasampang kaso laban sa guwardiya.

ALLAN QUIDES

BACALAN

BARANGAY POBLACION

BINARIL

DANTE BACALAN

DURBAN

HUWEBES

MAKATI AVENUE

MAKATI POLICE

URBAN BANK

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with