Klase sa San Juan City sa Hunyo 23 at 24, suspendido

MANILA, Philippines - Suspendido ang mga klase sa San Juan City simula bukas, araw ng Lunes at Martes (Hunyo 23 at 24) bunsod ng idaraos na ta­unang “Wattah Wattah” festival sa lungsod, kasabay ng pagdiriwang ng kapistahan ni St. John the Baptist.

Ang suspensiyon ng klase sa lahat ng antas sa lungsod sa mga nasabing araw ay alinsunod sa Executive Order 02-05 na inisyu ni San Juan City Mayor Guia Gomez.

Hinihimok din ni Gomez ang mga school officials at mga estudyante na lumahok sa taunang festival.

Ani Gomez, ang selebrasyon ay naging tourism activity na para sa lungsod.

Ipinagdiriwang ng lungsod ang Hunyo 24 bilang araw ng kapistahan ni San Juan Bautista.

Show comments