P.2-M limas sa kawani ng BIR

MANILA, Philippines - Umaabot sa P.2 milyong cash at halaga ng ari-arian ang nilimas ng mga miyembro ng Akyat-Bahay Gang makaraang looban ang bahay ng isang kawani ng Bureau of Internal Revenue sa TS Cruz Subd. sa Quezon City kahapon ng umaga. Pormal na dumulog sa himpilan ng pulisya ang biktimang si Richard Ablen, 57, BIR chief collector, ng  Barangay San Agustin sa Novaliches, Quezon City. Ayon kay SPO1 Ariel Velasco, naganap ang insidente sa pagitan ng alas-6 hanggang alas-7 ng umaga habang ang biktima ay nasa trabaho. Nakapasok ang mga kawatan matapos umakyat sa pader saka winasak ang padlock ng main door ng bahay ng biktima.

Show comments