Magkaibigan pisak sa trak

MANILA, Philippines - Patay ang magkaibigang lulan ng motorsiklo matapos masagasaan at makaladkad ng trailer truck sa kahabaan ng kalsada sa Payatas Road, Quezon City, kamakalawa ng gabi. Kinilala ni PO2 Allan Florendo ng QCPD-Traffic Sector 5, ang dalawa na sina Ricardo Pontenoza Jr., 28, ng Tuburan Ligaw, Albay; at Ely Tinio, 28, ng Payatas, Quezon City. Arestado naman ang driver ng trailer truck na si Cress Igong-Igong, 26, ng Tondo, Manila. Base sa ulat ng pulisya,, magkaangkas sa motorsiklo ang dalawa nang tangkain nitong mag-overtake sa sinusundang truck subalit tumama ito sa gutter. Dito tumilapon mula sa motorsiklo ang dalawa bago pumailalim at nakaladkad ng trak  ni Igong-Igong. Namataang magkayakap ang dalawa nang matagpuan kung saan kapwa walang helmet na suot.

Show comments