Turistang Kano hinoldap ng 2 ‘pulis’

MANILA, Philippines - Dumulog sa Manila Police District-General Assignment Section ang 54-anyos na turistang Kano matapos holda­pin ng dalawang pulis na nakasuot ng PNP blue t-shirt sa harap ng hotel sa Ermita, Maynila kamakalawa ng hapon. Sa reklamo ng biktimang si Adam Miller, pansamantalang nanunuluyan sa Sogo Hotel sa Mabini Street, Ermita, dakong alas-3:30 ng hapon noong Sabado, habang nakatayo siya sa harap ng Tune Hotel sa Mabini St. ay nilapitan siya ng dalawang pulis na bumaba sa SUV na golden brown. Habang nakatutok ang baril sa kaniya ay kinapkapan umano siya kaya nakuha ang kaniyang pitaka na naglalaman ng US$4,000  saka mabilis na tumakas.

Show comments