Rotating blackouts asahan - Meralco

MANILA, Philippines — Nagbabala ang Manila Electric Company (Meralco) sa posibleng brownout sa iba't ibang bahagi ng kanilang nasasakupan.

Sinabi ng Meralco ngayong Biyernes na maaarng mawalan ng kuryente ang ilang lugar sa Metro Manila at Bulacan dahil sa pagbigay ng Pagbilao Power Station.

Ang Pagbilao Power Station ang isa sa mga pinakamalaking power plant ng bansa na itinayo sa probinsiya ng Quezon.

Dahi dito ay naka red alert Meralco at asahan ang power interruptions simula ngayong Biyernes.

Nitong Huwebes lamang ay nag-shutdown din ang Sual power plant sa Pangasinan.

Show comments