Rolito Go, hindi pa makakalaya

MANILA, Philippines - Mananatili pa sa New Bilibid Prisons (NBP) ang convicted murderer na si Rolito Go.

Ito ang binig­yang-diin ni NBP Supt. Fajardo Lansa­ngan kasabay ng pagli­linaw na hindi pa maaaring palayain si Go sa kabila ng utos ni Muntinlupa RTC Branch 204 Judge Juanita Guerrero. 

Ayon kay Lansangan, iniapela nila ang kautusang ito ng Muntinlupa RTC sa pama­magitan ng Office of the Solicitor General.

Naniniwala aniya sila na hindi pa tapos na pagsil­bihan ni Go ang sentensiya sa kanya.

Aniya, habang hindi pa nareresolba ang apela ng NBP, mananatili pa rin sa bilangguan si Go.

Si Go ay nahatulang mabilanggo ng 40-taon ng Pasig Regional Trial Court noong 1993 matapos niyang mabaril ang De La Salle University Student na si Eldon Maguan sa isang road rage incident noong 1991.

 

Show comments