^

Metro

50 sugatan sa karambola ng mga bus

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Sugatan ang may 50 katao nang masangkot sa banggaan ng tatlong bus sa may loading bay sa Philcoa sa kahabaan ng Commonwealth Avenue sa Quezon City kahapon ng umaga.

Nangyari ang banggaan sa pagitan ng Nova Auto Transport, Safeway at Marikina Auto­line dakong alas-6 ng umaga.

Ayon kay Supt. Ely Pintang, head  ng QC Police District Traffic Enforcement Unit, karamihan sa mga na­sugatang pasahero  ay mula sa Nova Auto Transport at dinala sa East Avenue Me­dical Center.

Sinabi ni Pintang na bu­mangga ang Nova Auto Trans­port na minamaneho ni Rogelio Mario Baja Jr. sa  Marikina Auto Line na kasalukuyang nagsasakay  ng mga pasahero.

Dahil sa malakas na impact ng pagbangga, tumama naman ang Marikina Auto line sa bus ng Safeway bus na  naroon din sa naturang lugar.


Si Baja ay nakatakdang sampahan ng kasong reckless imprudence resulting in multiple physical injuries dulot nang naganap na insidente.

 

COMMONWEALTH AVENUE

EAST AVENUE ME

ELY PINTANG

MARIKINA AUTO

MARIKINA AUTO LINE

NOVA AUTO TRANS

NOVA AUTO TRANSPORT

POLICE DISTRICT TRAFFIC ENFORCEMENT UNIT

QUEZON CITY

ROGELIO MARIO BAJA JR.

  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with