4 patay, 3 nawawala sa sunog sa Malabon

(Pilipino Star Ngayon) - March 12, 2014 - 8:16am

MANILA, Philippines - Apat katao ang patay, kabilang ang dalawang bata, sa sunog sa lungsod ng Malabon ngayong Miyerkules ng madaling araw.

Nakilala ang dalawa sa mga biktimang sina Tomas Mateo Cruz at isang Mylene. Hindi pa nakikilala ang mga bata na may edad 4 at 10.

Bukod sa mga nasawi ay tatlong katao pa ang nawawala sa sunog na tumupok ng 100 bahay sa kalye ng Espiritu sa Barangay Tenejeros.

Nagsimula ang sunog bandang alas-4 ng madaling araw na tumagal ng halos dalawang oras.

Inaalam pa ng mga imbestigador ang sanhi ng sunog na tumupok sa tinatayang P1 milyon halaga ng ari-arian.

APAT BARANGAY TENEJEROS BUKOD ESPIRITU INAALAM MALABON MIYERKULES MYLENE NAGSIMULA TOMAS MATEO CRUZ
  • Latest
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with