Suspek na tulak huli sa QC

MANILA, Philippines - Arestado ang isang pinaghihinalaang tulak ng droga sa operasyong isinagawa ng mga tauhan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa Quezon City noong Linggo.

Kinilala ni PDEA director general Arturo Cacdac Jr. ang suspek na si Gilbert Estavillo, 44, ng Barangay Barcelona, Solsona, Ilocos Norte.

Huli si Estavillo ng mga tauhan ng PDEA sa aktong pagbibili ng 100 gramo ng shabu na may street value na mahigit P200,000. Isinagawa ang operasyon sa Barangay Socorro sa Quezon City bandang 10:30 ng umaga.

Kasong paglabag sa Section 5 (Sale of Dangerous Drugs), Article II ng Comprehensive Dangerous Drugs Act ang inihahanda laban sa suspek.

Show comments