3 karnaper arestado

MANILA, Philippines - Tatlong pinaniniwalaang karnaper ang nasakote ng mga pulis  sa isinasagawang Oplan Sita sa Caloocan City kahapon.

Nakilala ang mga suspek na sina Mark John Baello, 26; Jonathan Baello, 27; at Ro­nald Calaboso, 28, pawang ng Heroes Del 96 ng naturang lungsod.

Base sa ulat ng Caloocan City Police, ala-1:30 ng ma­daling-araw, sakay ang mga suspek sa isang  kotse na  hindi nakasindi ang headlights.

Pagsapit sa A. Mabini St., ng naturang lungsod ay sinita ng mga pulis na nagsasagawa ng Oplan Sita.

Agad na napansin ng mga pulis ang nakasukbit na ka­libre .45 baril kay Mark John na naging dahilan upang pababain at nang halughugin ang sasakyan ay nakuhanan ng apat na pick­locks na gina­gamit sa pagdistrungka ng mga susian ng sasakyan, bolt cutter, isang plate number ng motorsiklo at dalawang fiber plates cover. Dinala sa himpilan ng pulisya ang tatlo.

Show comments