2 palapag na bahay nasunog, 1 sugatan - report

MANILA, Philippines - Aabot sa P3 milyong halaga ng ari-arian ang natupok sa isang bahay sa Sta. Ana, Maynila ngayong Martes ng umaga, ayon sa isang ulat sa radyo.

Nasunog ang dalawang palapag na bahay ni Manuel Reyes sa panulukan ng kalye ng Lamayan at Azucena bandang alas-2 ng madaling araw, base sa ulat ng DZMM.

Sinabi ni Manila Fire Bureau Sr. Inspector Trossip Cante na nagmula ang sunog sa pumalyang extension wire ng bahay ni Reyes.

Umabot sa ikalimang alarma ang sunog dahil sa mabilis na pagkalat nito.

Nahirapang apulahin ng mga bumbero ang sunog dahil sa makipot na kalsada.

Isang fire volunteer naman ang nasugatan sa pagresponde.

Nagdeklara ng fire out ang Fire Bureau ganap na 2:20 ng madaling araw.

Show comments