Sa walk for a cause ng INC IIang unibersidad sa Maynila, nagsuspinde ng klase

MANILA, Philippines - Suspendido ang klase sa ilang unibersidad sa Maynila kaugnay sa ida­daos na walk for a cause ng Iglesia ni Cristo (INC) ngayong Sabado, Pebrero 15.

Ang mga nabanggit na unibersidad  na nagsuspinde ng kanilang mga klase ay ang Far Eastern Univer­sity-Manila, Colegio de San Juan de Letran Intramuros Manila, Philippine Women’s University-Taft, University of the Philippines-Manila at University of Santo Tomas.

Ayon sa MMDA walang pasok sa mga nabanggit na eskwelahan dahil sa ina­asahang matinding trapik sa Maynila na idudulot ng ‘Worldwide walk’.

Sinabi pa ng MMDA na tatangkain ng  INC na makuha ang Guinness World Record para sa “World’s largest walk for a cause” na gagawin ng kapatiran ng Iglesia Ni Cristo para sa mga biktima at nasalanta ng super typhoon Yolanda.

Show comments