Tanod dedo sa kapwa tanod

MANILA, Philippines - Isang barangay tanod ang nasawi nang saksakin ng kasamahang tanod matapos na magresponde sa isang away sa Tondo, Maynila kamakalawa ng gabi.

Hindi na umabot ng buhay sa Tondo Medical Center ang biktimang si Roland Santiago, ng Bgy. 92 Zone 8,Tondo, Manila sanhi ng saksak sa katawan.

Pinaghahanap naman ng pulisya ang suspek na si Reynaldo Santos, alyas Butchoy isa ring barangay tanod  at isang Bong Gorgon, alyas Boy Mazo  ng Aeta St., Tondo na tumakas matapos ang insidente.

Sa report ni Det Richard Escarlan ng MPD-Homicide section, dakong alas-7:30 ng gabi nang naganap ang insidente sa S.  Trinidad St., Tondo.

Nauna rito, nagresponde umano ang biktima sa isang away ng magkapitbahay na doon siya sinaksak ng kapwa tanod at mga kasamahan.

Hinala ng pulisya na napagtuunan ng galit ang biktima ng mga suspek dahil sa pagresponde nito, gayunman, patuloy ang isinasagawang imbestigasyon kung ano pa ang ibang motibo sa pagpatay.

Show comments