Ginulpi, hiningan ng P2-M Blackmail kay Vhong
Angie dela Cruz, (Pilipino Star Ngayon) - January 27, 2014 - 12:00am

MANILA, Philippines - Ginulpi at hiningan ng  P2 milyon ang Showtime TV host at actor na si Vhong Navarro ng mga taong gumulpi­ sa kanya noong Enero 22 sa isang condominium sa The Fort, Taguig.

Sa exclusive interview ng Buzz ng Bayan kay Vhong, inilahad nito ang tunay na pangyayari na kinasasangkutan umano nina Deniece Millinette Cornejo at Cedric Lee kung saan tinakot, binantaan at hiningan umano siya ng  P200,000 hanggang sa P2 milyon at  nagka­sundo ng P1 milyon.

Bago maganap ang insidente, sinabi ni Vhong na  nagkita sila  ni Cornejo noong Enero 17 matapos ang dalawang taon.  Inamin ni Vhong na  may nangyari sa kanila noong Enero 17 subalit walang  naganap na sexual intercourse.

Matapos ito ay mina­buti ni Vhong na umuwi at habang nasa kanyang sasakyan ay nakatanggap siya ng text message mula  kay  Cornejo  ng “bad boy ka” na nireplayan naman  niya ng “ bawi ako nextime”.

Naulit ang kanilang pagkikita sa condo ni  Cornejo  noong Enero 22 kung saan nagulat si Vhong nang kan­yang ibaba ang dalang pag­kain ay may lumapit sa kanyang lalaki na nagpa­kilalang  si ‘Cedric Lee’. 

Dito ay piniringan, ginapos at pinagbubugbog siya ng kalalakihan na hindi bababa sa pito katao kasabay ng pag video sa kanyang ari.  Pina-record din ni Lee  kay Vhong ang pahayag na ginahasa nito ang ka­nilang kaibigan (Cornejo) kasabay ng pahayag na dapat nitong bayaran si Cornejo ng P200,000.

Habang patungo sa police station sinabihan siya ni Lee na P500,000 na ang ibibigay nito na umakyat sa P1 milyon at bago lumabas ng police station ay pinilit pa ni Lee na itaas sa P2 milyon.

Sinabi ni Vhong na wala na siyang ganung halaga at hanggang P1 milyon lang ang kaya niya.

Sinabi ni Vhong na wala siyang alam isagot kundi ‘opo’ sa kagustuhan ng mga nambugbog hanggang sa magtungo sila sa police station kung saan na­kasaad  na  hindi ito mag­rereklamo.

Isang nagngangalang ‘Mike’ ang  nagsabi sa kanya na ibigay lamang ang kanilang  gusto at walang magiging problema.

Tinanong din siya ng pulis kung nais nitong magpablotter subalit minabuti na lamang niyang  manahimik at sa halip ay nakiusap ang TV host/ actor na ihatid siya sa kanyang kotse sa condo ni Cornejo.

CEDRIC LEE CORNEJO DENIECE MILLINETTE CORNEJO ENERO SHY SINABI VHONG VHONG NAVARRO
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with