Tinedyer ginilitan ng senglot

MANILA, Philippines - Isa na namang tinedyer ang napatay matapos mapagtripang gilitan ng isang senglot kahapon ng madaling-araw sa Calooocan City.

Namatay habang ginagamot sa Bernardino Hospital ang biktimang si Dandreb Sioson, 17,  ng Sampalok Street, Camarin sa nasabing lungsod.

Pinaghahanap naman ng pulisya ang suspek na si Jonel Badilla, 30.

Base sa police report, naganap ang krimen bandang alas-4 ng madaling-araw malapit sa bahay ng biktima.

Nabatid na naglalakad ang biktima nang harangin ng suspek na sinasabing lango sa alak.

Kinompronta ng suspek ang biktima hanggang sa maganap ang pamamaslang.

Show comments