Ex-kagawad niratrat ng tandem

MANILA, Philippines - Utas ang isang dating kagawad ng ba­rangay nang ratratin ng riding-in-tandem habang abala sa paglilinis ng kaniyang motorsiklo sa Sampaloc, Maynila, kamakalawa ng hapon.

Apat na bala sa likod at isa sa dibdib ang kumitil sa buhay ng biktimang si Alberto Socorro,54, residente ng Kundiman St., Sampaloc, Maynila.

Sa ulat ni SPO2 Richard Escarlan ng MPD-Homicide Section, dakong alas-4:45 ng hapon ng maganap ang pamamaril sa biktima sa tapat ng kaniyang bahay.

Nililinis umano ng biktima ang kanyang motorsiklo nang dumating at hintuan siya ng riding-in-tandem at saka sunud-sunod na pinaputukan ng baril bago nagsitakas.

Blangko pa ang pulisya sa motibo sa krimen habang patuloy pa rin ang isinasagawang imbestigasyon.

Show comments