^

Metro

Lolo natusta sa sunog

Angie dela Cruz, - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Isang lolo ang nasawi matapos ma-trap sa loob ng kanilang nasusunog na bahay sa Makati City kamakalawa ng gabi.

Kinilala ang nasawi na si Santiago Alupinto, 76,  ng Barrio Visaya St., Brgy.  Guadalupe Nuevo ng naturang lungsod.

Lumalabas sa inisyal na pagsisiyasat ni Senior Fire Officer Wilfredo L. Nardo, ng Makati City Fire Department, nagsimula ang pagkalat ng apoy mula sa bahay ni Crisanto Nespero ng naturang lugar alas-8:55 ng gabi.

Dahil gawa sa mga light material ang mga bahay kaya agad na kumalat ang apoy sa kalapit na mga kabahayan kasama ang bahay ng biktimang si Alupinto.

Ayon sa anak na lalaki  ng biktima na si  Marlon Alupinto, dala aniya ng katandaan kung kaya’t hindi kaagad nakalabas ang kanyang tatay dahilan upang ma-trap ito hanggang sa natusta sa loob ng bahay.

Tinatayang aabot sa 34 pamilya ang naapektuhan ng naturang sunog at humigit kumulang na nasa P450,000 halaga ng mga ari-arian ang naabo.

Base sa nakalap na impormasyon ni SFO2 Nardo sa ilang residente, matagal na aniyang walang kuryente ang mga nakatira rito kung kaya’t isa sa mga anggulong iniimbestigahan na pinagmulan ng sunog ay ang +natumbang kandila. Umabot aniya sa ikatlong alarma ang naturang insidente at alas-9:43 ng gabi idineklara itong under control.

 

vuukle comment

ALUPINTO

BARRIO VISAYA ST.

CRISANTO NESPERO

GUADALUPE NUEVO

MAKATI CITY

MAKATI CITY FIRE DEPARTMENT

MARLON ALUPINTO

NARDO

SANTIAGO ALUPINTO

SENIOR FIRE OFFICER WILFREDO L

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with