20-anyos ginulpi, sinaksak sa prusisyon

MANILA, Philippines - Kasalukuyang nasa kritikal na kalagayan ang 20-anyos na deboto matapos pagtulungang saksakin at gulpihin ng dalawang kalalakihan sa prusisyon ng Poong Nazareno kamakakalawa ng gabi sa Caloocan City.

Naisugod sa Caloocan Medical Center ang biktimang si Mark Janet Rivera ng Tuna Street sa Kaunlaran ng naturang lungsod.

Pinaghahanap naman ng mga pulis ang mga suspek na nakilala lamang ang isa sa alyas Renz.

Batay sa ulat ng Caloocan City PNP, nasa prusisyon ang biktima nang mapagtripang gulpihin at saksakin ng dalawang suspek pagsapit sa Heroes Del 96 bandang alas-8 ng gabi .

Dito na sumiklab ang kaguluhan sa prusisyon kung saan kaagad na dinala sa ospital ang biktima na kasalukuyang nakikipaglaban kay kamatayan.

Show comments