Binata binoga sa ulo, dedo

MANILA, Philippines - Butas ang bungo ng isang binata makaraang pagbabarilin ng hindi nakikilalang suspect habang ang una ay naglalakad sa isang kalye sa lungsod Quezon kahapon ng tanghali.

Dead-on-the-spot sa lugar ang biktimang si Peterson Eusebio, 30, dahil sa tinamong dalawang tama ng bala sa ulo, ayon kay SPO1 Joselito Gagaza, may-hawak ng kaso.

Mabilis namang tumakas ang nag-iisang suspect matapos ang pamamaril na naglakad lamang umano na parang walang nangyari.

Sa inisyal na ulat, na­ganap ang insidente sa harap ng SOGO hotel na matatagpuan sa Brgy. Nova Proper, ganap na alas-12 ng tanghali.

Diumano, naglalakad ang biktima sa nasabing lugar nang biglang sumulpot ang suspect na armado ng hindi mabatid na kalibre ng baril at pinaputukan ng dalawang sunod sa ulo ang una.

Patuloy ang imbestigas­yon ng awtoridad sa nasabing insidente. Blangko pa ang pulisya sa motibo sa naganap na krimen.

Show comments