Dahil sa sugal: Driver dedo sa mag-aama
Ricky ­Tulipat (Pilipino Star Ngayon) - June 7, 2013 - 12:00am

MANILA, Philippines - Patay ang isang driver makaraang pagtulungang pagbubugbugin at pagsasak­sakin ng mag-aama sanhi lamang ng alitan sa sugal na poker sa lungsod Quezon, iniulat kahapon.

Sa ulat ng Quezon City Police District Criminal Investigation and Detection Unit, nakilala ang nasawi na si Rolly Napay, 42, ng Urlina St., Brgy. West Fairview sa lungsod.

Ayon kay PO2 Rhic Roldan Pittong, isa sa mga suspect na nakilalang si Samuel Castil, 56, ang sugatan matapos na masaksak sa tiyan ng biktima. Siya ngayon ay inoobserbahan sa FEU hospital.

Pinaghahanap naman ang kanyang mga anak na sina Jonel, 32, Jeffrey 24, at Jamuel, 16, na mabilis na nagsipagtakas makaraan ang krimen.

Sa imbestigasyon ni Pittong, nangyari ang insidente ganap na alas- 6 ng gabi sa  Urlina St., Brgy. West Fairview.

Bago ang insidente, nag­lalaro umano ng sugal na Poker ang biktima at ang suspect na si Jonel nang magtalo ang mga ito hingil dito.

Sa gitna ng pagtatalo, dumampot umano ng upuan si Jonel at hinampas ang biktima. Kahit nasaktan, nagawa namang makatakbo ng biktima at makakuha ng kutsilyo.

Nang makita ni Jonel na may kargadang patalim ang biktima ay mabilis itong nagtatakbo sa loob ng kanilang bahay, pero hinabol siya ng huli at nang hindi maabutan ay ang screen ng bintana ng pamilya Castil ang pinagdiskitahan nitong sirain.

Sa puntong ito, lumabas ng kanilang bahay si Mang Samuel, tatay ng mga suspect na armado ng kapirasong kahoy at hinarap ang biktima. Pero mabilis na umarangkada ang biktima at nasaksak si Samuel sa tiyan.

Nakita naman ng magkakapatid ang nangyari sa kanilang tatay, kung kaya agad nilang pinagtulungan ito kung saan naagaw ni Jonel ang patalim at pinagsasaksak ang biktima. Mabilis na nagsipagtakas ang magkakapatid sa hindi malamang direksyon, habang ang kanilang tatay naitakbo sa naturang ospital.

Ang biktima naman ay nagawa pang makahingi ng tulong sa kanyang mga kapitbahay na siyang naghatid sa kanya sa ospital pero bi­na­wian din ng buhay.

BIKTIMA BRGY JONEL MANG SAMUEL QUEZON CITY POLICE DISTRICT CRIMINAL INVESTIGATION AND DETECTION UNIT RHIC ROLDAN PITTONG ROLLY NAPAY URLINA ST. WEST FAIRVIEW
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with