Preso nang-agaw ng baril, tigok
Ludy Bermudo (Pilipino Star Ngayon) - May 30, 2013 - 12:00am

MANILA, Philippines - Nagdahilan lamang umano ang isang preso na ga­gamit ng banyo subalit inagawan ng baril ang bantay sa pulis na nauwi sa pag-aagawan hanggang sa ma­putukan sa pisngi ang una na ikinasawi nito sa Harrison St., Malate, Maynila, kahapon ng madaling-araw.

Hindi na umabot pang buhay sa Ospital ng Maynila ang biktimang si Rodel Reyes, miyembro ng ‘Bahala na Gang’ at residente ng Leveriza St., Malate, Maynila, na napiit sa Manila Police District (MPD)-Station 9 simula noong Mayo 18, 2013.

Sa imbestigasyon ni PO3 Jupiter Tajonera ng MPD-Homicide Section, bandang alas-4:00 ng madaling-araw nang magpaalam si Reyes kay PO3 Jexover Torrefrancia, night shift duty, sa nasabing police station, dahil sa tawag ng kalikasan.

Inilabas umano ni PO3 Torrefrancia si Reyes sa selda nang bigla na lamang hawakan nito at tangkaing agawin ang kanyang 9mm  service firearm  kaya nagkaroon sila ng agawan at aksidenteng pumutok na tumama sa pisngi ni Reyes.

Agad naman itong itinakbo sa kalapit na pagamutan kung saan idineklarang dead-on-arrival.

Nabatid na si Reyes ay notoryus umanong holdaper sa lugar ng Malate at nadakip kamakailan.

BAHALA HARRISON ST. HOMICIDE SECTION JEXOVER TORREFRANCIA JUPITER TAJONERA LEVERIZA ST. MANILA POLICE DISTRICT MAYNILA REYES RODEL REYES
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with