Rider patay sa aksidente

MANILA, Philippines - Isang rider­ ang nasawi matapos na mawalan ng kontrol at rumampa ang sinasakyang motorsiklo sa gutter ng kalsada at saka sumalpok sa mala­king puno sa Pasig City kahapon ng madaling-araw. Dead-on-the-spot ang biktimang si Ron Ross Echica, 28, ng Taiwan St., Brgy. Santolan, Pasig City matapos na ma­basag ang mukha dahil sa aksidente.

Ayon sa report, naga­nap ang insidente dakong ala-1:25 ng madaling-araw habang ang biktima ay sakay ng kanyang motorsiklong Suzuki Smash (4136 HW).

Sa ulat ng pulisya, nabatid na tinatahak ng biktima ang kahabaan ng Amang Rodriguez Avenue­ sa  Brgy. Manggahan nang mawalan ito ng kontrol sa manibela.

Show comments