Dalagita tumungga ng silver cleaner
Ludy Bermudo (Pilipino Star Ngayon) - May 26, 2013 - 12:00am

MANILA, Philippines - Patay ang isang dalagita matapos uminom ng silver cleaner sa Tondo, Maynila, kahapon ng tanghali.

Tumanggi ang mga magulang na paimbestigahan pa ang insidente dahil sa paniniwalang sadyang nagpakamatay ang 17-anyos nilang anak na itinago sa pangalang “Nene”, ng Sevilla St., Tondo.

Sa ulat ni PO3 Richard Limuco ng MPD-Homicide Section, dakong alas-11:00 ng tanghali, kahapon nang matagpuan ng mga kaanak ang dalagita na nakalugmok sa loob ng kanilang bahay  at sa tabi nito ay nakuha ang isang maliit na bote na naglalaman umano ng kemikal na silver cleaner.

Isinugod pa sa Gat. Andres Bonifacio Memorial Medical Center ang biktima subalit bigo ang mga doktor­ na maisalba ang buhay nito dahil sa sobrang sunog na umano ang lalamunan at bituka nito.

Wala namang nais magbigay ng anumang pahayag ukol sa dahilan ng pagpapatiwakal ng biktima.

 

ANDRES BONIFACIO MEMORIAL MEDICAL CENTER HOMICIDE SECTION ISINUGOD MAYNILA PATAY RICHARD LIMUCO SEVILLA ST. TUMANGGI WALA
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with