Kahit bumaligtad ang pangunahing testigo: Pamilya Barrameda, tuloy ang laban para kay Ruby Rose

Angie dela Cruz, (Pilipino Star Ngayon) - March 15, 2013 - 12:00am

MANILA, Philippines - Gumagawa na ng mga legal na hakbang ang kampo ng pamilya nang pinaslang na si Ruby Rose Barrameda matapos nilang malaman na bumaligtad ang pangu­nahing testigo na si Manuel Montero.

Sa isang panayam kay Rochelle Barrameda, kapatid ni Ruby Rose, sinabi nito  na guma­gawa na sila ng legal na hakbang hinggil sa insidente.

Nabatid kay Rochelle na nabigla ang kanilang pamilya  hinggil sa pagbaligtad ni Montero at kamakalawa lamang nila nalaman na bumaligtad pala  ang naturang  star witness sa pagpatay kay Ruby Rose.

Labis na  nalungkot ang pamilya Barrameda hinggil sa pagbaligtad ni Montero at mariin  nilang kinondena ang insidente.

Sa kabila nang pagbaligtad ni Montero, hindi nawawalan ng pag-asa ang pamilya Barrameda at mariing ipinahayag ni Rochelle, kahit ganun pa aniya ang nangyari ay hindi sila mapapagod at gagawin nila ang lahat upang  makamit lamang nila ang hustisya para kay Ruby Rose. 

Sinabi rin ni Rochelle, na may nakarating nga sa kanilang impormasyon, na sinusuyo umano ng mga suspect ang tes­tigo, kung saan pinada­dalhan umano ito ng regalo.

Matatandaan, na si Ruby Rose ay dinukot hanggang sa natagpuan ang bangkay nito na nakasilid sa drum at itinapon sa karagatan na nasasakupan ng Navotas City noong Marso 2009.

Kung saan ang pa­ngunahing suspect ay ang asawa ni Ruby Rose na si Manuel Jimenez at ang ama nito na si Atty.  Jimenez.

Matatandaan, na sa na­unang sinumpaang pahayag ni Montero ay kilalang kilala nito ang mag-amang Jimenez, subalit sa kanyang pagbaliktad sa kaso, ipinahayag na nitong hindi niya kilala ang mga ito.

BARRAMEDA JIMENEZ MANUEL JIMENEZ MANUEL MONTERO MATATANDAAN NAVOTAS CITY ROCHELLE BARRAMEDA RUBY ROSE
  • Latest
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with