Indian national dinukot ng 7 armado

MANILA, Philippines - Iniulat na dinukot ng pitong kalalakihan, apat dito ay naka-t-shirt na may tatak na NBI ang isang Indian national sa Valenzuela City.

Nakilala lang ang biktima sa “alyas  Sodhi”,  dahil ayaw makipag-tulungan sa mga pulis ang pamilya nito.

Ayon sa ulat, naganap ang insidente dakong alas-6:30 ng umaga sa Cayetano St., Arty Subdivision 2, Brgy. Karuhatan ng nabanggit na lungsod habang lulan ng kanyang motorsiklo ang biktima nang biglang sumulpot ang mga suspect at kinaladkad ang una at ipinasok sa kulay berdeng kotse na hindi nakuha ang  plaka.

Isa sa mga suspect ang sumakay sa gamit na motor­siklo ng biktima  at saka iniwan sa Bonifacio St., ng naturang lugar.

Nagpasya ang Valenzuela City Police,  ilipat na lamang  ang kaso sa Anti-Kidnapping Group sa Camp Crame.

 

Show comments