^

Biyuda, binoga habang natutulog

Mer Layson (Pilipino Star Ngayon) - February 21, 2013 - 12:00am

MANILA, Philippines - Isang 47-anyos na ginang ang sugatan matapos na barilin ng hindi kilalang suspek habang natutulog sa loob ng kanilang tahanan sa Mandaluyong City,  kahapon ng madaling-araw.

Nilalapatan ng lunas sa Mandaluyong City Medical Center ang biktimang si Ma. Luisa Salazar, residente ng Welfareville Compound, Brgy. Addition Hills, Mandaluyong City.

Si Salazar ay nagtamo ng isang tama ng bala mula sa .45 kalibre ng baril sa kanang dibdib na tumagos sa kanang bahagi ng kanyang likod.

Nabatid na dakong alas-3:00 ng madaling-araw nang ma­gising umano si Rea Lindo, anak ng biktima, dahil sa pag-iyak at paghingi ng tulong ng kanyang ina.

Nang makitang duguan ang ina ay kaagad umanong humingi ng tulong sa mga kapitbahay si Rea at isinugod ito sa pagamutan.

Patuloy namang iniimbestigahan ng mga pulis ang motibo ng krimen dahil wala naman umanong nakitang tao na pumasok sa bahay.

ADDITION HILLS BRGY ISANG LUISA SALAZAR MANDALUYONG CITY MANDALUYONG CITY MEDICAL CENTER NABATID REA LINDO SI SALAZAR WELFAREVILLE COMPOUND
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with