^

PSN Opinyon

Nag-protesta OTS employees sa NAIA

ORA MISMO - Butch M. Quejada - Pilipino Star Ngayon

LAST week, nag-rebelde ang mga taga-Office of Transportation Security sa NAIA, nagsuot sila ng red armbands para i-protesta ang kanilang mga allowances na mukhang iniipit diumano ng mga bossing nila kaya hindi ito ibinibigay sa kanila?

Naku ha!

Bakit naman?

Ayaw ni Boss Digong na malamang may reklamo ang mga maliliit na madlang people maliit na nga ang sahod, ginigipit pa?

Kaya tuloy ang mga OTS employees ay pumalag para malaman ng kanilang mga amo ang ‘bad situation’ na dinaranas nila sa trabaho.

Hay, buhay Pinoy nga naman... kung sino pa ang maliit iyon pa ang sinasakmal este mali sinasakal pala?

Sabi ng mga reklamadores, inipit ang kanilang ‘annual performance base bonus, annual collective negotiation agreement, leave credit monetization at team building allowances.

Naku ha!

Ano ba ito?

Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, ang maliit na pera para sa mga bossing nila ay malaking salapi para sa mga OTS employees.

Sabi nga, isang kahig, isang tuka.

Tumpak!

Sa kuento, noon daw year 2016, may team building ang mga OTS employees na P2,000 ang allowance kada isa, pero ang nakuha lamang nila sa kanilang mga ATM nang idineposito umano ay P500 lamang.

Sabi nga, asan napunta ang P1,500?

Explain why?

Ang masama hindi pa itinataas ang kanilang sahod dahil nasa salary grade 4 pa rin sila up to now na dapat ay nasa salary grade 8 na sila.

Naku ha!

Totoo kaya ito?

Bakit kaya?

Sabi ng mga reklamadores, ang sisihin daw ng taga-OTS ay ang DBM porke ayaw daw magbigay ng budget para sa kanila?

Naku ha!

Ano ba ito?

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, nang pumalag ang mga OTS employees at magsagawa ng ‘silent protest’ the other week, bigla umanong kumambiyo ang management at sinabing nagparamdam na diumano ang DBM kaya ibibigay na raw ang kanilang mga allowances.

Sabi nga, agad-agad?

‘Nagsabi na rin umano ang management sa DBM tungkol sa salary standardization nila.’ 

Ika nga, ibibigay na raw?

Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, ang pondo pala ng OTS ay galing diumano sa madlang international at domestic passengers na nagbabayad ng airport terminal fees.

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, ang ibinabayad ng bawat international passengers puera ang OFW’s sa NAIA bilang terminal fee ay P550 kaya mayroon P60.00 nakukuha ang OTS dito bawat isa.  

Samantala, P15.00 naman ang nakukulimbat este mali napapakinabangan pala ng OTS sa mga domestic passengers na nagbabayad ng P200.00 airport terminal fee kada isa. 

Hindi birong salapi ang nakukuha ng OTS sa lahat ng mga departing passengers sa NAIA.

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, ang kunsumisyon este mali commission pala na ibinigay ng MIAA sa OTS mula noong January to November last year ay may kabuuang P451 million para lamang ito sa international passengers at sa domestic passengers naman ay P131 million.

‘Hindi ba ang laki?’ 

‘Bakit nagkaipitan pa sa mga allowances?’ tanong ng kuwagong mangungurakot.

Siguro dapat itong maimbestigahan sa Senado para magkaalaman kung sino ang may problema para hindi na maulit ang ganitong situation.

Abangan.

vuukle comment

NAIA OFFICE OF TRANSPORTATION SECURITY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with